Love Advice Para Sa Mga Single
Heads Up Tour Sitemap
Pasalamat Ka Ikaw ay Single Lalo Na Kung NBSB or NGSB Ka
Sa panahon ngayon, pambihira na ang
mga babae o lalaki na single. At mas lalong pambihira na ang mga hindi nakaranas magkaron ng kasintahan. Ang tawag sa kanila ay NBSB (No Boyfriend Since Birth) at NGSB (No Girlfriend Since Birth). Karamihan ay hindi maniniwalang NBSB o NGSB ka lalo na kung ikaw ay maganda, gwapo o may itsura. Ewan ko ba sa kanila.
Mahirap sa umpisa lalo na kung napapalibutan ka ng mga magkasintahang naglalambingan at ikaw lang mag-isa lalo na ang araw ng mga puso ay malapit na. Minsan, darating ka sa punto na gusto mo na ring maranasan ang ganyang kasiyahan. Ngunit mananaig ang mga prayoridad na dapat pagtuonan ng ating isipan. Oo, nakakainggit ang kanilang pagsusuyuan subalit, kadalasan, yan ay napapalitan ng sakitan (pisikalan o salitaan) lalo na kung sila’y magkakaanak.
Minsan o kadalasan, ang mga babae ang kawawa lalo na kung ang lalaki ay hindi marunong tumanggap ng responsibilidad (irresponsable kung baga). Maraming babae ang nasasaktan dahil matapos nilang ibigay ang lahat, sila’y iiwanan kahit ilang taon na silang magkasintahan. Ang istorya ng aking mga nakasalumuha ay nagpapatunay lamang na ang taon ng pagsasama ay hindi sukatan sa katatagan ng pagmamahalan.
Wag kang mag-alala kung 18 taong gulang ka na o 20 taong gulang (o higit) at wala ka pang kasintahan o hindi ka pa nakaranas magkaron ng kasintahan. Hindi ka po nag-iisa. Marami pa po tayo, subalit kung ikukumpara sa karamihan, kakaunti na lamang ang tunay na dalagang Pilipina o binatang Pilipino.
Dahil sa mga makabagong teknolohiya lalo na ang sosyal medya, maagang namulat ang mga makabagong henerasyon sa mga di kanais-nais na mga palabas o babasahin. Kung isa ka sa mga makabagong kabataan, sana ay wag kang gumaya sa pinaggagawa ng karamihan. Wag mong aksahayin ang talentong ibinigay sa iyo. Malayo ang mararating mo kung hindi ka magpapaapekto sa sinasabi o ginagawa ng karamihang tao.
Gamitin mo sa maayos na paraan ang teknolohiyang nasasaiyo. Marami kang magagawang kabutihan at ikaw ay magsisilbing ihemplo sa panahong ito kung gagamitin mo ang iyong "utak bago ang puso". Wag kang magpadala sa emosyon mo o ng ibang tao. Isipin mo na lang ang mga ka-edad mong maagang naging ama at ina. Ilang taon ang nawala sa kanila? Imbes na nag-aaral sila, napipilitan silang tumigil upang mabuhay ang kanilang binuong bata lalo na kung sila’y itatakwil ng kanilang pamilya.
Harapin mo ang realidad ng buhay mo ngayon at isipin mo ang iyong kinabukasan. Maniwala ka, magpapasalamat ka sa iyong desisyong maging single hangga’t hindi mo pa nababago ang buhay mo. Marami kang pangarap, kabilang na siguro ang maging isang ama o ina at magkaroon ng masayang pamilya. Ngunit ang kasiyahan ay hindi matatamo ng kahit na sino kung walang pagbabago lalo na sa mga taong hindi marunong magpasalamat sa mga biyayang kanilang natatamo.
Espesyal ka kung ikaw ay NGSB o NBSB. Alam mo kung bakit? Kasi isa yang simbolo na ikaw ay ginagabayan ng Maykapal. Hindi niya gustong masaktan o magdusa ka. Gawin mo ang mga tamang gawain at sa tamang panahon, darating din ang taong nilaan ng Panginoon at mga anghel para sa iyo. Yan ang pinaniniwalaan ko. Tiwala lang kaibigan.
Maraming salamat sa iyong pagbasa. Mag-iwan ka ng iyong opinyon sa ibaba kung ikaw ay single at naniniwala ka ring darating din siya sa tamang panahon :)