Tagalog Spoken Poetry About Nationalism, Heroism and Rizal





Hopefully, you’ll like this poem and may this be useful to others too. I am sharing this to provide an example to pupils or students, but please do not copy this for profit.

This was made for free to help a student who is my friend's sibling.

I was curious how this poem looks when translated in English so I used Google Translator and copied the English version which I pasted after the Tagalog version. Most translated parts’ meaning is right excluding some parts like this one, “Naging malaya ang bansang aking sinilangan kalaunan.” which I translate this way, “The country I was born in became free later on.” and this is the translation by Google, “The country I gave birth to later became independent.”

Reminder: Writing a poem is actually easy. All you have to do is to write what you are thinking until you run out of words. Then do some research about the poem you are writing. Explore the world with or without going out from where you are. Ideas will surely pop out as you are exploring. Never fail to write them because you might forget what you were thinking and waste the time used during that search. Let that creative side of you come out. Don’t hold back and express what you want to be heard.

Ang tulang aking nilikha tungkol sa mga nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal at kabayanihan ay nagawa hindi dahil sa ako’y may malawak na kaalaman ukol kay Dr. Rizal o sa kabayanihan ng mga Pilipino noong panahon ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang pinaka ayaw ko na paksa noon ay Hekasi (at Matematika). Hindi kayang tandaan ng aking utak ang mga pangalan, taon at iba pang mga naganap noon. Limitado ang aking natatandaan kaya nakasanayan ko nang isulat ang mga naganap o nagaganap sa aking buhay kabilang na ang aking mga iniisip dahil may mga panahon na kailangan ko itong balikan upang may matutunan.

Sa pagsulat ko ng tulang ito, binalikan ko ang nakaraan ni Dr. Rizal sa pamamagitan ng Google. Nakapunta ako sa iba’t ibang pahina ng di magkaparehong manunulat. Nakakalap ako ng mga impormasyon na aking ginamit sa tula sa malikhaing paraan na nagresulta sa tulang ito. 

Title: Noli Me Tangere (Touch Me Not)


Touch me not, yan ang ingles ng Noli Me Tangere.

Ang unang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal sa tulong ni Vicente.

Ang nobelang tumatalakay sa kapangyarihan ng Simbahang Katoliko na higit pa sa mga alcalde.

Ang nobelang nagdulot sa kanyang persekusyon sa bintang na siya ay isang espiya, ahente o Protestante.



Tiwala si Dr. Jose Rizal na sa mapayapang paraan makakamit ang reporma. 

Sa kabila ng mga batikos sa Noli, ipinagpatuloy niya ang nobela.

El Filibusterismo o Ang Paghahari ng kasakiman ang sunod na nailathala.

Inalay niya ang nobela sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgoz at Zamora.



Sinasabing ang mga nobela ang naging dahilan sa maalab na hangaring makamit ang tunay na kalayaan.

Ang mga nobela rin ang naging dahilan sa kanyang kamatayan na nagpasiklab sa himagsikan. 

Naging malaya ang bansang aking sinilangan kalaunan. 

Tinawag itong Pilipinas bilang parangal sa hari ng mananakop na dayuhan. 



Kung kalayaan ang ating hangad, bakit tayo pumayag na manggaling sa pangalan ng hari ng Espanya ang ating bansa?

Bakit Ingles ang mas pinapanigan nating wika?

Ang sabi ni Dr. Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda." 

Nakakalungkot isiping ang karamihan sa atin ay mas piniling maging dayuhan sa sariling bansa. 


Ano ba ang ating dapat gawin bilang mga makabagong kabataan? 

Tayo'y tinutuligsa sa ating mga aksyon na sa tingin ng iba'y iba sa nakaraan. 

Ako'y nalilito kung bakit ating henerasyon ang makasalanan. 

Sino nga ba ang unang lumimot sa sakripisyo ng mga bayani ng ating bayan?


While I was roaming at around 5 AM in November 2018, I saw the peculiar letter, so I took a photo of the Rizal monument. 

English Version by Google Translator

Title: Noli Me Tangere (Touch Me Not)

Touch me not, that's the English of Noli Me Tangere
The first novel was written by Dr. Jose Rizal with the help of Vicente
The novel deals with the authority of the Catholic Church beyond the mayors.
The novel brought to his attention the accusation that he was a spy, agent, or Protestant.

Dr. Jose Rizal is peacefully to achieve reform.
Despite criticism of Noli, he continues the novel.
El Filibusterism or The Reign of Greed is next published.
He dedicated the novel to three martyrs Gomez, Burgoz, and Zamora.

The novels are said to be the catalyst for the earnest desire to achieve true freedom.
The novels also led to his death sparking a revolution.
The country I gave birth to later became independent.
It was called the Philippines in honor of the king of foreign invaders.

If our desire is freedom, why do we agree that our country comes from the name of the king of Spain?
Why is English our preferred language?
Dr. Jose Rizal, "The one who does not love his language is more like a stinking fish."
It is sad to think that most of us prefer to be foreigners in our own country.

What should we do as modern youth?
We are attacked by the actions that others think of in the past.
I am confused as to why our generation is a sinner.
Who was the first to forget the sacrifice of our people's heroes?




Popular Posts