Spoken Word Poetry Tungkol Sa Buhay at Pamilya: Gumising, Bumangon at Umahon




Namulat at lumaki sa magulong mundo
Nagsumikap upang buhay' umasenso
Ang batang pagod mukhang weirdo
Napagkakamalang matanda sa itsura nito.

Wala siyang paki sa sinasabi ng ibang tao.
Losyang kung sya'y tawagin ng nasa kanto.
"Paki niyo. Ako'y puyat sa pagtatrabaho.
Nagsusumikap upang maiahon pamilya ko.

Gumising at bumangon na kayo.
Mga pangarap nyo ay di magkakatotoo.
Katamaran nyo'y hihilahin kayo
patungo sa lugar ng impyerno."

Yan ang sagot niya sa mga nasa kanto.
Isang buwan ang lumipas siya'y naglaho.
Umalis dahil kanyang nagpagtanto
Di siya aangat sa kanyang trabaho.

Gaano man siya kagaling sa larangang ito
Kulang na kulang parin para sa mga amo.
Halos di na makakain sa pagpupursigi sa trabaho.
Kasiyahan ay di na makamtan dahil dito.

Gumising at bumangon ka na.
Mga pangarap mo ay abutin na.
Kabiguan ay kalimutan mo na.
Lahat ng tao ay nadadapa.

Gumising at bumangon ka na.
Oras na para sumaya ka.
Kabiguan ay kalimutan mo na.
Lahat ng tao ay nadadapa.

Gumising at bumangon at pamilya mo ay i-ahon.


Read More
         |
         |
         V

Popular Posts