Tula Para sa Unang Anibersaryo





This blog is now one year and counting. The number of viewers based on this blog's Stat has leaped.
I am very grateful to everyone who became part of this journey.

Allow me to share a Tagalog poem which tells the purpose of this blog in a creative manner.

Hanggang Paghanga


Mula elementarya hanggang sa aking pagtanda
Ang lihim na pagtingin ay mananatiling isang paghanga
Hangga't ang relihiyon at kultura ay patuloy na pinagsama
Ang pagmamahalan ay patuloy na mawawala.

Naging bilanggo ang karamihan sa kanilang mga tahanan
Mga tahanang puno ng sakit at pait dahil sa kawalan
Kung hindi kawalan sa bulsa ay kawalan sa pagmamahalan.
Sa panahon ngayon, mas praktikal na ang karamihan.

Ang pagmamahal ay natututunan bigkas ng isa.
Ang pera ay napagtatrabahuhan ayon naman sa pangalawa.
May iba't ibang opinyon na dapat respetuhin ang bawat isa.
Ang desisyon kung kanino papanig ay nasasainyo na.

Ang hiling ko lamang ay kapayapaan.
Napakagulo na nang mundo, halos lahat ng tao ay nagdidibatihan.
Ano ba ang inyong pinag-aawayan?
Hindi ba pwedeng magkaisa at gawin ang naaayon sa kapakanan ng karamihan?

Popular Posts