Who's your President?
This election (2022) is the second time I will vote. My first President was the current President, Rodrigo R. Duterte. I was a fourth-year college at that time. All I knew about him was that he was the Mayor of Davao City.
My choice before I did further research was Senator Grace Poe. She speaks fluently, and I can feel her sincerity, but she's new in the political arena, so I decided to search online the presidential candidates.
I looked up their names on Google and found that President Rodrigo Duterte is the most qualified among the rest. I researched more about him and watched videos that testify how good he is as a leader.
Much negative news came out,
destroying his reputation, but I started believing in him because of the stolen videos (from concerned citizens) I saw where he's working even in the middle of the night. He's supposed to rest with his age, but he chose to serve the people.
I did not regret my choice even though many started criticizing his actions. I did not benefit from the free tuition and other laws he approved, but many of my countrymen have. I know and I can feel that he has a heart for the Filipinos so I keep on believing in him. The stories I heard about him are all good except for the killings (of the bad guys).
Why I'm writing this?
I don't like talking about politics, but there are times I feel like I need to participate and act because misinformation is spreading widely.
I care about my countrymen, especially the younger generations and the next generations. I'm not planning to become a mother, but I'm concerned with innocent children.
We are slowly making a difference and recovering from the past mistakes of the leaders of this country.
The next paragraphs will be written in Tagalog so that all Filipinos will understand.
Sino ang pipiliin kong pangulo?
Bago pa lang nagkagulo ang mga tatakbo sa pagkapangulo, may napanaginipan ako. Hindi ko pa alam kung sino ang aking iboboto sa panahon na iyon.
Mukhang si Marcos, Jr. "BBM" pa ang iniendorso ni Pangulong Duterte noon kaya napag-isipan kong siya rin ang iboboto ko.
Subalit may napanaginipan ako. Naghuhugas ako ng pinggan tapos biglang lumutang ang pangalan ng kasalukuyang pangalawang pangulo, Maria Leonor Robredo o mas kilala ng karamihan na "Leni" Robredo. Tinatawag din siyang Leni Lugaw ng mga hindi naniniwala sa kanya.
Hindi pa ako kombensido na sya ang dapat kong iboto matapos ang panaginip na iyon hanggang sa nakita ko siya sa kanyang rally sa Bayugan City, Agusan del Norte.
Dinumog siya ng mga tao, pero nakangiti pa rin siyang nakihalubilo.
Paos na siya noong nagsalita sa intablado. Galing pa raw silang Surigao tapos pupunta nanaman sila sa Butuan City pagkatapos. Nakita ko ang kanyang determinasyon na manalo para sa mga naghihirap na mga Pilipino.
May isang matanda na nag-abot ng sulat sa kanya. Binasa niya ito at ang laman ng sulat ay humihingi siya ng tulong. Pinakausap niya ang matanda sa kanyang mga tauhan upang matulungan habang tinatapos niya ang kanyang mensahe para sa mga botante.
Duon ko napagtanto na totoong may puso si Leni Robredo para sa mga Pilipino.
Napagdesisyunan kong siya ang aking iboboto sa darating na eleksyon 2022 dahil tiwala ako na maipagpapatuloy niya ang mga magandang nagawa ng kasalukuyang pangulo.
Sana matigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at mapagtanto rin ng iba ang maaring mangyari sa ating bansa at sa mga naghihirap na mga Pilipino kung ang ating iboboto ay hindi abogado.
Sana matauhan na po tayo. Siguro, may mga nakabenipisyo sa panahon ni dating pangulong Marcos sa panahon ng Martial Law. Subalit mas marami ang nagdusa at patuloy na nagdurusa dahil sa trauma sa mga pang-aabuso.
Hindi mga mayayaman ang naghirap noong pinatupad ang Martial Law. Ayon sa aking ina (na ang ama ay isang Ilocano), nakita niya kung paano pinaparusahan ang mga ordinaryong mga magsasaka na naakusahang makakaliwa. Sa pagbigay ng awtoridad ni dating pangulong Marcos sa mga sundalo na manghuli ng mga Pilipino kahit hindi na dumaan sa tamang proseso, maraming mga ordinaryong mamamayang Pilipino ang nawala, nasawi, at nagdusa.
Malapit na ang eleksyon at ang resulta ng mga pagsusuri ay nakakabahala kaya nakapagdesisyon akong sumulat ng artikulo.
Sa pamamagitan nito, bakasakaling magbago ang desisyon ng mga karamihan sa mga Pilipinong naniniwala na aangat ang buhay nila kapag mga Marcos nanaman ang uupo sa trono.
Sa mga makakabasa nito, sana po ay ibahagi ninyo ang inyong natutunan dito at bumuto po kayo para sa mga nakaraan, kasalukuyan, at susunod na mga Pilipino.
Ang mga litrato sa ibaba ay galing sa comments sa TikTok.